Logo para sa gaganaping traslacion sa Itim na Nazareno, inilabas na ng Quiapo Church

By Dona Dominguez-Cargullo January 02, 2017 - 11:36 AM

Inquirer Photo | Julie M. Aurelio
Inquirer Photo | Julie M. Aurelio

Sinimulan na ngayong araw ng Quiapo Church ang araw-araw na pagsasagawa ng briefing para sa nalalapit na traslacion sa Itim na Nazareno sa Lunes, January 9.

Para sa taong ito, ang tema ng traslacion ay “Pag-ibig ang buklod ng ganap na pagkakaisa”.

Inilabas na din ng Quiapo Church ang opisyal na logo para sa traslacion.

Nanawagan naman si Fr. Doug Badong, Parochial Vicar ng Quiapo Church sa mga deboto na ihanda ang sarili, physically, emotionally at spiritually para sa nasabing prusisyon.

Maliban sa Quiapo Maynila na taun-taon ay dinarayo ng milyun-milyong mga deboto may isasagawa ring traslacion sa Tagum City at Cagayan De Oro City,

 

TAGS: Black Nazarene, feast of the Black Nazarene, Quiapo Church, Traslacion 2017, Black Nazarene, feast of the Black Nazarene, Quiapo Church, Traslacion 2017

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.