Dahil sa matinding pinsalang naidulot ng bagyong Nina sa lalawigan ng Camarines Sur, mananatiling walang klase ang mga estudyante ng mga pampublikong paaralan sa malaking bahagi ng probinsya.
Sa memorandum na nilagdaan ni Governor Miguel Luis Villafuerte, iniutos nito na sa January 9 na lamang mag-resume ang klase sa Districts 2, 3, 4 at 5 ng lalawigan.
Ito ay para mabigyan aniya ng pagkakataon ang mga paaralang ginamit bilang evacuation centers na makapaglinis at makapag-ayos sa mga silid-aralan.
Pagkakataon din aniya ito sa mga pamilyang nasalanta ng bagyo na maisaayos pa ang mga tahanan at ari-arian nilang napinsala ng bagyong Nina.
Binigyang laya naman ang pamunuan ng mga pribadong paaralan na magdeklara ng suspensyon kung nagtamo din sila ng pinsala dahil sa bagyo.