Klase sa malaking bahagi ng Camarines Sur, sa January 9 na magre-resume dahil sa pinsala ng bagyong Nina

By Dona Dominguez-Cargullo January 02, 2017 - 11:30 AM

Pili, Camarines Sur | Kuha ni Louie Ligon
Pili, Camarines Sur | Kuha ni Louie Ligon

Dahil sa matinding pinsalang naidulot ng bagyong Nina sa lalawigan ng Camarines Sur, mananatiling walang klase ang mga estudyante ng mga pampublikong paaralan sa malaking bahagi ng probinsya.

Pili, Camarines Sur | Kuha ni Louie Ligon
Pili, Camarines Sur | Kuha ni Louie Ligon

Sa memorandum na nilagdaan ni Governor Miguel Luis Villafuerte, iniutos nito na sa January 9 na lamang mag-resume ang klase sa Districts 2, 3, 4 at 5 ng lalawigan.

Ito ay para mabigyan aniya ng pagkakataon ang mga paaralang ginamit bilang evacuation centers na makapaglinis at makapag-ayos sa mga silid-aralan.

Pagkakataon din aniya ito sa mga pamilyang nasalanta ng bagyo na maisaayos pa ang mga tahanan at ari-arian nilang napinsala ng bagyong Nina.

Binigyang laya naman ang pamunuan ng mga pribadong paaralan na magdeklara ng suspensyon kung nagtamo din sila ng pinsala dahil sa bagyo.

 

TAGS: camarines sur, class suspension, typhoon nina, walang pasok, camarines sur, class suspension, typhoon nina, walang pasok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.