Dating Manila Mayor Mel Lopez, pumanaw na sa edad na 81

January 02, 2017 - 10:47 AM SHARE(S):

Former Manila Mayor Mel LopezKinumpirma ng mga kaanak ni dating Manila Mayor Mel Lopez ang pagpanaw nito kagabi matapos atakihin sa puso.

Ayon kay Manny Lopez, anak ng dating alkalde, kagabi binawian ng buhay ang kaniyang ama habang naka-confine sa St. Lukes’ Medical Center sa Quezon City.

Sa Huwebes aniya nakatakda ang libing ng kaniyang ama.

Dadalhin muna sa Tondo ang mga labi alkalde bago ang burol sa Heritage Park sa Taguig City.

Noong nakaraang buwan pa ng Disyembre naka-confine sa nasabing pagamutan si Lopez.

Si Lopez ay naging mayor ng Maynila mula 1986 hanggang 1987 at mula 1988 hanggang 1992.

Nagsilbi din siya bilang assemblyman sa Batasang Pambansa noong 1984 hanggang 1986.

 

TAGS: Former Manila Mayor, Mel Lopez, Former Manila Mayor, Mel Lopez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.