Chinese President Xi Jinping, nakiramay sa mga nasalanta ng bagyong Nina sa Pilipinas
Nagpaabot ng pakikiramay si Chinese President Xi Jinping sa Pilipinas dahil sa pinsalang idinulot ng Bagyong Nina.
Aniya, lubos na nag-aalala ang kanyang gobyerno at mga mamamayan sa mga naapektuhan ng kalamidad.
Umaasa naman ang Chinese President na agad na makakabangon mula rito ang mga Pilipino sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Ipinahayag din ni Xi na handang magbigay ng ayuda ang China.
Samantala, sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council kahapon, tatlong katao na ang namatay habang nawawala ang 21 iba pa dahil sa Bagyong Nina na nag-landfall sa bansa noong Pasko.
Nasa halos 2,000,000 katao naman na ang naapektuhan ng kalamidad sa mga rehiyon ng CALABARZON, MIMAROPA, Bicol at Eastern Visayas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.