Suspek sa pagpapaputok ng baril sa QC noong pagsalubong sa Bagong Taon, hawak na ng QCPD

By Dona Dominguez-Cargullo January 02, 2017 - 08:34 AM

gun1Hawak na ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang person of interest sa insidente ng indiscriminate firing sa lungsod noong kasagsagan sa pagsalubong ng Bagong Taon na ikinasugat ng isang lalaki.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni QCPD Director, Sr. Supt. Guillermo Eleazar na ang suspek na si Jaime Padua ay nadakip malapit sa lugar kung saan tinamaan ng ligaw na bala ang biktimang si Leomar Aquino, 16-anyos.

Naganap ang insidente sa Purok Pag-asa sa Barangay Batasan sa Quezon City noong kasagsagan ng pagsalubong sa Bagong Taon.

Nakuha mula kay Padua ang isang 35 caliber na baril.

Ayon kay Eleazar, nasa East Avenue Medical Center pa ang biktima na bagaman stable na ang kondisyon ay hindi pa natatanggal ang bala sa kaniyang dibdib.

Sa sandaling maalis na ang bala, magsasagawa ng ballistic examinations ang QCPD at ikukumpara ito sa bala na nakuha mula sa baril ni Padua.

Patuloy naman ang panawagan ni Eleazar sa publiko lalo na sa mga nakasaksi sa insidente na magtungo sa mga otoridad para magbigay ng impormasyon.

 

TAGS: East Avenue Medical Center, indiscriminate firing, QCPD, East Avenue Medical Center, indiscriminate firing, QCPD

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.