Dalagang tinamaan ng bala sa ulo, hindi pa maaring operahan

By Kabie Aenlle January 02, 2017 - 05:29 AM

emelynDelikado para sa 15-anyos na dalagitang tinamaan ng bala sa ulo sa Malabon, ang maisailalim sa operasyon dahil posibleng mas lumala pa ang kalagayan nito.

Ayon sa mga doktor sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC), posibleng lalong magdulot ng kapahamakan kay Emmelyn Villanueva kung itutuloy nila ang operasyon.

Ayon kay JRRMC director Dr. Emmanuel Montaña, nagtamo ng tama ng bala si Villanueva sa may bandang batok.

Bagaman dumaan mula sa kanan patungo sa kaliwang bahagi ng kaniyang utak ang bala, hindi aniya ito tumagos sa ulo at sa halip ay tumama pa sa occipital area.

Sa ngayon ay nasa deep comatose si Villanueva, at kung pagbabasehan ang Glasgow coma scale para tukuyin ang level of consciousness ng biktima pagkatapos ng head injury nang may 15 points bilang pinakamataas na antas, nasa number 4 lamang si Villanueva.

Dagdag pa ni Montaña, hindi rin nila matukoy kung anong uri ng bala ang tumama kay Villanueva dahil hindi sila makakuha ng malinaw na imahe kahit pa gamit ang magnetic resonance imaging (MRI).

Dinedecompress na aniya nila ang utak ni Villanueva, at ngayo’t naka-ventilator na rin ito dahil sa hirap sa paghinga. Sinaksakan na rin nila ang biktima ng antitetanus shots para pahupain ang pamamaga ng utak nito.

Sakali aniyang bumuti ang kalagayan ni Villanueva, maari nilang ituloy ang surgery, ngunit dahil masyadong sensitibo ang kondisyon nito, mas mataas ang posibilidad na hindi nila alisin ang bala.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.