600,000 iligal na paputok, nasabat sa Caraga

By Kabie Aenlle January 02, 2017 - 05:20 AM

Limpak-limpak na mga iligal na paputok ang nasabat ng mga otoridad sa rehiyon ng Caraga.

Dahil sa mas pinaigting na pagpapatupad ng Task Force “Ligtas Kapaskuhan 2016″ ng Philippine National Police (PNP), nasabat nila ang nasa 600,000 piraso ng mga ipinagbabawal na paputok sa naturang lugar.

Ayon kay Chief Supt. Rolando Felix, bahagi lamang ito ng mas marami pang mga iligal na paputok mula sa mga bayan ng Prosperidad at Bislig.

Kabilang sa mga nakumpiskang paputok ay ang Piccolo na sinasabing pangunahing sanhi ng mga firecracker-related injuries, Watusi, Baby Rocket, Super Lolo, 5-Star OG, Whistle bomb, Giant Kwitis, Pop pop, Atomic triangle na tinatawag na “Uzi,” Big Mega at Pla-pla.

Natukoy naman ng mga otoridad ang mga may-ari ng mga nasabing paputok, at inihahanda na ang mga kasong isasampa laban sa kanila bukas.

Samantala, wala namang naitalang indiscriminate firing at mga kaso ng ligaw na bala sa nasabing rehiyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.