Sa kaniyang New Year message, tiniyak ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II na magpapatuloy pa rin ang mga inisyatibo ng Department of Justice (DOJ) at mga katuwang nitong ahensya tungo sa pagbabago.
Ayon kay Aguirre, ang kanilang isinusulong na pagbabago ay nakahanay pa rin sa mandato ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa iligal na droga at katiwalian.
Sa pagpasok aniya ng Bagong Taon, nakikiisa siya sa lahat ng umaasa at nananalangin ng mas mabuting Pilipinas sa taong 2017.
Hinimok naman niya ang mga opisyal at empleyado ng DOJ at mga katuwang na ahensya na makipagtulungan sa pagkakaroon ng corruption-free na DOJ.
Bilang bahagi ng isinusulong niyang pagbabago sa kagawaran ay ang pagpapa-drug test sa mga opisyal at empleyado, pag-himok sa mga empleyado na isumbong ang anumang katiwalian, at pagbabawal sa mga personal na appliances sa loob ng kagawaran upang bumaba naman ang singil sa kanila sa kuryente.