Pope Francis, nanawagan ng kabutihan at kapayapaan
Idineklara ni Pope Francis na magiging maganda ang bagong taong 2017 kung magiging mabuti ang mga tao at isasantabi ang galit.
Ito ang naging laman ng kaniyang pagbati sa bagong taon sa misa na dinaluhan ng 50,000 na mga pilgrims, turista at mga Romano.
Tiniyak ni Pope Francis na magiging mabuti ang taong ito kung sa tulong ng Panginoon ay araw-araw na susubukan ng mga tao na magpakabuti, dahil ganito nabubuo ang kapayapaan.
Payo rin ng Santo Papa sa mga tao, layuan ang galit at karahasan, at lumapit sa pagsasamahan at pagkakasundo.
Nabanggit rin ng Santo Papa na hindi na agad naging maganda ang pagpasok ng bagong taon, dahil sa karahasang nangyari sa isang Istanbul nightclub kung saan 39 ang nasawi.
Ipinahayag niya ang kaniyang kalungkutan, at sinabing ipinagdarasal niya ang mga naging biktima at nasugatan, pati na rin sa buong bayan na ngayon ay nagluluksa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.