Suspek sa pagpapasabog sa Leyte, natukoy na

By Kabie Aenlle January 01, 2017 - 07:25 PM

 

Leyte bombingNakilala na ng mga otoridad ang isa sa mga suspek sa pagpapasabog sa isang plaza sa Hilongos, Leyte noong Miyerkules ng gabi.

Ayon kay Hilongos Albert Villahermosa, natukoy na nila ang isang suspek sa pamamagitan ng isang surveillance video na tumugma naman sa hawak nilang intelligence information.

Sa ngayon, ayon kay Villahermosa ay apat na suspek ang pinaghahanap ng mga otoridad; ang gumawa ng bomba, at tatlong kasabwat na nagtanim ng pampasabog noong December 28.

Matatandaang 34 katao ang nasugatan sa pag-atake na naganap sa isang plaza sa Hilongos na puno ng mga taong nakiki-piyesta.

Dalawang 81-mm mortars ang ginamit ng mga suspek sa pagsabog malapit sa isang boxing ring kung saan nagaganap ang isang laban bilang bahagi ng pista.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.