Panawagan ng bagong pinuno ng UN: Unahin ang kapayapaan

By Kabie Aenlle January 01, 2017 - 04:10 PM

 
GuterresUmapela ang bagong secretary general ng United Nations na si Antonio Guterres sa mga bansa na unahin sa kanilang agenda ang kapayapaan.

Sa kanyang pahayag, tinalakay ni Guterres ang usapin na aniya’y mabigat sa kaniyang damdamin.

Nais ni Guterres na matulungan ang milyun-milyong mga taong naiipit sa matitinding digmaan sa iba’t ibang bansa na tila hindi matapus-tapos.

Aniya sa mga ganitong digmaan, walang nananalo; bagkus ay natatalo lang ang lahat dahil sa trilyong dolyar na ginagastos para sa pagwasak sa mga lipunan at ekonomiya.

Dahil dito, hinimok niya ang mga tao na gawing New Year’s resolution na unahin ang kapayapaan, at na resolbahin ang mga hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga mamamayan at gobyerno sa pamamagitan ng pagkakaisa, malasakit, dayalogo at respeto.

Dagdag niya pa, “Let us make 2017 a year for peace.”

Si Guterres ay naging UN High Commissioner for Refugees mula noong 2005 hanggang 2015, at nanilbihan rin bilang prime minister ng Portugal kung saan namuno siya sa pagresolba sa krisis sa East Timor.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.