Hindi bababa sa dalawa ang patay habang labing pito ang nawawala makaraang masunog ang isang passenger boat sa karagatang malapit sa Jakarta, Indonesia.
Batay sa ulat, nagsimulang masunog ang passenger boat, na may dalawang daang pasahero, habang nasa coast of Jakarta ito patungong Tidung island.
Nailigtas naman ang aabot sa 194 na katao na sakay din ng sasakyang pandagat.
Ayon kay Seply Madreta ng local disaster agency, hindi pa natutukoy ang dahilan ng sunog.
Hinahanap na rin ng mga opisyal ang manipesto ng passenger boat upang mabatid ang tunay na bilang ng mga pasahero ng vessel.
Patuloy ang rescue team sa paghahanap sa mga nawawala.
Matatandaan na noong November 2016, mahigit sa limampung katao ang nasawi makalipas na lumubog ang isang overcrowded na speedboat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.