Dalagang tinamaan ng bala sa Malabon, biktima ng pamamaril ayon sa pulisya

 

Naglabas ang Northern Police District (NPD) ng paglilinaw kaugnay sa kaso ng dalagang natamaan umano ng ligaw na bala sa Brgy. San Agustin, Malabon City nitong nagdaang pagsalubong sa bagong taon.

Ayon kay NPD director S/Supt. Roberto Fajardo, ang 15-anyos na dalagang si Emelyn Villanueva na tinamaan ng bala, ay biktima ng isang shooting incident o pamamaril sa kanilang lugar.

Paliwanag ni Fajardo, tinamaan si Villanueva ng bala mula sa suspek na bumaril sa kaniyang kapitbahay.

Sa ngayon aniya ay wala pang naitatala ang NPD na insidente ng stray bullet mula sa indiscriminate firing, sa halip ay shooting incident lamang.

Tiniyak naman ng pulisya ang patuloy na imbestigasyon sa kaso, at na hinahanap na nila ang suspek sa pamamaril upang mapanagot sa batas.

Read more...