Dalagang tinamaan ng bala sa Malabon, biktima ng pamamaril ayon sa pulisya

By Kabie Aenlle January 01, 2017 - 03:21 PM

 

emelynNaglabas ang Northern Police District (NPD) ng paglilinaw kaugnay sa kaso ng dalagang natamaan umano ng ligaw na bala sa Brgy. San Agustin, Malabon City nitong nagdaang pagsalubong sa bagong taon.

Ayon kay NPD director S/Supt. Roberto Fajardo, ang 15-anyos na dalagang si Emelyn Villanueva na tinamaan ng bala, ay biktima ng isang shooting incident o pamamaril sa kanilang lugar.

Paliwanag ni Fajardo, tinamaan si Villanueva ng bala mula sa suspek na bumaril sa kaniyang kapitbahay.

Sa ngayon aniya ay wala pang naitatala ang NPD na insidente ng stray bullet mula sa indiscriminate firing, sa halip ay shooting incident lamang.

Tiniyak naman ng pulisya ang patuloy na imbestigasyon sa kaso, at na hinahanap na nila ang suspek sa pamamaril upang mapanagot sa batas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.