Death toll sa ‘Santa attack’ sa Istanbul, umakyat na sa 39

By Isa Avendaño-Umali January 01, 2017 - 02:29 PM

 

Istanbul attackUmakyat na sa tatlumpu’t siyam ang nasawi sa malagim na pag-atake sa Reina nightclub sa Istanbul, Turkey.

Ayon kay Turkey interior minister Suleyman Soylu, labing anim sa mga namatay ay mga banyaga at lima ay Turkish nationals.

Nakilala na rin aniya ang dalawampu’t isa sa mga biktima.

Kinumpirma ni Soylu na ‘at large’ pa rin ang salarin, subalit patuloy pa rin aniya ang search operation.

Nakaka-apekto rin sa paghahanap ang mga ulat na hindi lamang isa kundi dalawa ang gunmen.

Mayroon din umano ilang opisyal ng gobyerno roon ang nagsabing napatay na rin daw ang attacker.

Batay sa mga testigo, ang terorista, na nakasuot ng Santa Claus costume, ay gumamit ng isang long-range weapon sa pamamaril sa mga inosenteng partygoers.

Nauna nang sinabi ni Istanbul Governor Vasip Sahin na isang ‘terrorist attack’ ang nangyari sa nightclub, hating gabi ng Bagong Taon.

Kaugnay nito, sinabi ni NATO Secretary-General Jens Stoltenberg na ang pag-atake ay isang ‘tragic start’ ng 2017.

Nagpaabot na rin ng pakikiramay para sa Turkey ang iba pang lider ng iba’t ibang bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.