35 patay sa ‘Santa attack’ sa Istanbul, Turkey
Mahigit tatlumpu’t limang katao ang patay habang apatnapu naman ang nasugatan sa isa umanong ‘terror attack’ sa Reina nightclub sa Istanbul, Turkey.
Ayon sa Gobernador ng lungsod, nagdiriwang lamang ang mga taong nasa naturang nightclub para sa Bagong Taon nang biglang nagkaroon ng pag-atake.
Nakasuot ng Santa Clause costume ang mga gunmen na walang habas na namaril sa nightclub.
Kabilang sa mga nasawi ay isang police officer.
Batay sa ilang saksi, ang mga umatake ay nagsasalita ng ‘Arabic.’
Paglalarawan ni Vasip Sahin, ang teribleng insidente sa bahagi ng Bosphorus ay maituturing bilang isang terror attack.
Kasalukuyan namang ginagamot ang mga sugatan sa ospital.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.