Pope Francis, tinuligsa ang youth unemployment sa kanyang year-end message
Hinikayat ni Pope Francis ang mga lider sa buong mundo sa pagpapalaganap ng trabaho para sa mga kabataan.
Sa kanyang year-end message sa vespers service sa St. Peter’s Basilica, sinabi ng Santo Papa na buksan ang pinto para sa mga kabataan upang lalong pag-ibayuhing maabot ang mga pangarap ng mga ito sa buhay.
Sa homily ng otsenta anyos na Papa, tinuligsa nito ang paglilimita sa mga kabataan kung saan nagiging sanhi ng pagkapalpak sa buhay ng ilan.
Sa ngayon, tumataas ang porsyento ng youth unemployment sa iba’t ibang bansa partikular sa Italy, Africa at European Union States.
Sa pagtatapos naman ng misa, inikot ni Pope Francis ang St. Peter’s Square upang batiin, makipagkamay at pakipaglitrato sa mga nakiisa dito.
Samantala, magsasagawa ng isang misa para sa selebrasyon ng World Day of Peace ng Simbahang Katolika ngayong araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.