Panibagong oil price hike, ipatutupad sa unang linggo ng 2017

File Photo
File Photo

Bad news ngayong Bagong Taon!

May nakaambang price hike sa ilang produktong petrolyo sa unang linggo ng 2017.

Batay sa oil industry, nasa 48 centavos ang dagdag-presyo sa kada litro ng diesel, habang 70 centavos naman ang pagtaas sa halaga ng bawat litro ng gasolina.

Ito na ang ika-apat sa serye ng oil price increase, na nag-umpisa noong Oktubre 2016.

Nauna nang nagpatupad ng bigtime price hike sa liquified petroleum gas o LPG.

Ayon sa Petron, ang kanilang Gasul at Fiesta Gas ay may dagdag-presyo na P4.15 kada kilo, samantalang ang Xtend auto LPG ay tataas ng P2.32 kada kilo, epektibo kaninang 12:01 ng madaling araw.

Read more...