25 pamilya sa Novaliches, nasunugan sa bisperas ng Bagong Taon

January 01, 2017 - 07:12 AM

SunogHindi bababa sa dalawampu’t limang pamilya sa Novaliches, Quezon City ang nawalan ng tahanan ngayong Bagong Taon matapos masunog.

Nag-umpisa ang sunog sa Pamasa Ville Phase 1 at 2, dakong 9:21 kagabi o bisperas ng Bagong Taon.

Nagsimula ang apoy sa ikalawang palapag ng isang bahay, makaraang maiwanang nakasaksak ang plug ng isang electric fan at TV.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog, at naapula pasado 10:38 ng gabi.

Dalawa ang sugatan sa sunog na kinilalang sina John Paul Abejuela, na nagtamo ng minor burn sa balikat; at Allan Cruz na nahiwa naman ang kamay.

Batay sa Bureau of Fire Protection, aabot sa dalawang daang libong piso ang napinsala ng sunog.

Ang mga apektadong pamilya ay pansamantalang nananatili sa isang covered court na malapit sa lugar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.