LPA, makakaapekto sa Mindanao ngayong unang araw ng 2017
Isang low pressure area o LPA ang makakaapekto sa Mindanao Region ngayong unang araw ng taong 2017.
Ayon sa PAGASA, makararanas ng pag-ulan na may pagkulog at pagkidlat sa Mindanao ngayong araw ng Linggo.
Ang Luzon at Eastern Visayas naman ay magiging maulap na may pag-ulan din, pero ito ay dahil sa northeast monsoon o Amihan.
Ang iba pang parte ng Visayas ay bahagyang magiging maulap na may isolated rainshowers o thunderstorms.
Sa pagsalubong ng Bagong Taon ay inulan ang maraming bahagi ng Metro Manila at karatig na mga lalawigan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.