2 “New Year babies”, ipinanganak sa Fabella Hospital

By Rod Lagusad January 01, 2017 - 06:38 AM

FabellaKasabay ng pagsalubong ng mga Pilipino sa Bagong Taon ay inabangan din ang pagsilang ng mga tinaguriang “New Year babies” sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital.

Ayon kay Dr. Rica Ching, isang OB Gyne, na may dalawang New Year babies ang isinalang sa naturang ospital.

Isa sa mga bagong silang ay isang baby girl na pinangalanang Shamah Jane Bolon, na isinilang sa pamamagitan ng normal delivery

Ang isa pang sanggol ay isang baby boy na ipinanganak sa pamamagitan naman ng caesarian.

Pawang malusog ang mga isinilang na mga sanggol maging ang kanilang mga ina.

Kilala ang Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa pagiging pangunahing ospital pagdating sa paanakan.

TAGS: New Year Babies, Welcome 2017, New Year Babies, Welcome 2017

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.