18 patay, 38 sugatan sa isang bomb attack sa Baghdad

Photo courtesy: Britannica
Photo courtesy: Britannica

Mahigit labing walong katao ang patay habang tatlumpu’t walo naman ang sugatan matapos ang dalawang bomb attack sa isang market area sa gitnang bahagi ng Baghdad.

Nangyari ang pagsabog sa bahagi ng wholesale markets sa Al-Sinek.

Sa ngayon, wala pang umaako ng responsibilidad sa nangyaring pinakamaduong pagsabog simula noong October.

Simula noong October 17, matatandaang nakataas na sa high alert ang bansa bilang laban sa mga isinasagawang pag-atake sa bansa.

Read more...