1 patay sa karambola ng 3 sasakyan sa Caloocan

By Chona Yu December 31, 2016 - 03:57 PM

Kuha ni Richard Garcia
Kuha ni Richard Garcia

Isa patay habang dalawampu’t limang iba pa ang nasugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Quirino Highway, Caloocan.

Isinugod na sa Tala hospital ang mga sugatan para malapatan ng lunas.

Nabatid na binabaybay ng isang Vannette ang kahabaan ng Quirino Highway nang salpukin ito sa likuran ng kasunod na Miami bus.

Dahil sa mabilis ang takbo ng Miami bus, napatalsik ang Vannettee dahilan para tumawid sa kabilang lane.

Gayunman, paparating naman ang Luzon Bus Incorporated na may plate number na TXL823 dahil para salpukin naman sa harap ang Vannette.

TAGS: caloocan, Miami bus, Quirino Highway, Vannettee, caloocan, Miami bus, Quirino Highway, Vannettee

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.