DOH, nanawagan sa mga magulang na bantayang maigi ang mga anak ngayong bagong taon
By Angellic Jordan December 31, 2016 - 02:58 PM
Binigyang-paalala ng Department of Health ang mga magulang na pagtuunang pansin ang mga anak ngayong selebrasyon ng bagong taon.
Ayon kay Health Secretary Paulyn Jean Rosell Ubial, nananawagan ito na hangga’t maaari panatilihin na lamang ang mga bata sa loob ng bahay.
Aniya, pitumpu’t pitong porsyento sa mga firecracker injuries ay nagmumula sa mga bata.
Samantala, sinabi ni DOH spokesperson Dr. Eric Tayag na aabot sa 116 na kaso na ng firecracker injuries ang naitatala mula December 21 hanggang 30.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.