22 pasahero, sugatan nang mahulog ang DLTB bus sa Quezon Province

By Jimmy Tamayo December 31, 2016 - 01:07 PM

UNISAN DLTBSugatan ang nasa dalawampu’t dalawang pasahero nang mahulog ang sinasakyan nilang DLTB Bus sa isang tulay sa Unisan Quezon Province kaninang madaling araw.

Ayon kay Quezon Police Director Senior Supt. Rhoderick Armamento, habang binabagtas ang tulay ng bus na may plate number na AQA6765 ay nagpa-gewang-gewang ito hanggang mawalan na ng kontrol ang driver at mahulog ito.

Galing ng Bicol ang nasabing bus at patungo ng Maynila, pero kinailangan nitong dumaan sa Gumaca, Quezon dahil sa aksidente sa Atimonan.

Isa sa mga nasugatan na nakilalang si Axel Tuita, 52 years old ay kinailangan ilipat ng ospital sa Lucena City habang ang ibang mga nasaktan ay agad namang nakalabas ng pagamutan.

TAGS: DLTB Bus, Quezon Police Director Senior Supt. Rhoderick Armamento, Unisan Quezon Province, DLTB Bus, Quezon Police Director Senior Supt. Rhoderick Armamento, Unisan Quezon Province

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.