May libreng sakay ang LRT line 1 bukas, unang araw ng Enero at unang araw ng 2017.
Sa statement ng Light Rail Manila Corporation, magbibigay sila ng libreng sakay mula alas siyete hanggang alas nueve ng umaga at mula alas singko ng hapon at alas siyete ng gabi.
Samantala, hanggang sa Enero a-otso may free ride ang mga senior citizens at mga persons with disabilities o PWDs na mayroong Beep cards at may kasamang dalawang miyembro ng pamilya.
Kahapon, ang MRT at LRT 2 ay nagbigay ng libreng sakay kasabay ng Rizal day celebration.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.