Daan-daang residente sa Maguindanao, lumikas dahil sa bakbakan ng militar at BIFF

militar vs biff
Inquirer File Photo

Dahil sa patuloy na bakbakan sa pagitan ng militar at Bangsamoro Islamic Freedom fighters, napilitan ang daan-daang residente sa bayan ng Datu Salibo sa Maguindanao na lumikas sa kanilang mga tahanan.

Ayon kay Col. Felicisimo Budiongan, commander ng 1st Mechanized Brigade, pumutok ang engkwentro matapos umatake ang isang miyembro ng BIFF sa grupo ng mga militar sa naturang bayan bandang alas siyete kwanrenta kagabi.

Aniya pa, nagpatuloy ang labanan pasado alas singko nang umaga kanina kung saan wala pa aniyang naitatalang bilang ng patay at sugatan sa parehong panig.

Dagdag pa ni Budiongan, napilitan ang militar na gamitin ang 105 mm Howitzers Cannon at dalawang MG-520 attack helicopters mula sa Philippine Air Force dahil sa dami ng mga umatakeng miyembro ng nabanggit na rebeldeng grupo.

Samantala, ligtas namang namamalagi ang mga sibilyan sa mga bayan ng Datu Piang at Datu Ampatuan sa ngayon.

Maliban sa Datu Salibo, inatake rin ng mga rebelde ang pwesto ng mga militar sa mga bayan ng Pigcawayan at Midsayap sa North Cotabato.

Suspetsa naman ni Budiongan, ang naturang pag-atake ay bunsod ng pagkakamatay ng vice-chairman for Internal Affairs ng Bangsamoro Islamic Freedom Movement na si Tamarin Esmael alis Kumander Tamarin.

Read more...