Bilang ng firecracker injuries, umakyat na sa 116

By Angellic Jordan December 31, 2016 - 09:42 AM

IWAS PAPUTOK | INQUIRER FILE PHOTOMula December 21 hanggang 30 nang umaga, nakapagtala na ng 116 na kaso ng firecracker injuries kung saan 89 rito ay mga kabataan.

Ayon kay Department of Health spokesperson Dr. Eric Tayag, tatlumpu’t walong porsyentong mas mababa ito mula sa 187 na bilang ng kaso sa kaparehong oras noong nakaraang taon.

Nangunguna ang Piccolo na sanhi ng mga pagkakasugat ng ilan kung saan aabot sa animnapu’t siyam na kaso ito sa kabuuang tala sa ngayon.

Samantala, sinabi ni Tayag na nakataas sa Code White ang lahat ng ospital ng gobyerno bilang preparasyon sa inaasahang pagdami ng firecracker injuries ngayong selebrasyon ng Bagong taon.

TAGS: DOH spokesperson Dr. Eric Tayag, firecracker injuries, Piccolo, DOH spokesperson Dr. Eric Tayag, firecracker injuries, Piccolo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.