Magandang panahon, inaasahan ngayong paparating na Bagong Taon ayon sa PAGASA
Inaasahan ang pagkakaroon ng magandang panahon sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw hanggang bukas maliban na lang sa ilang bahagi ng Northern Luzon na maaring makaranas ng pag-uulan dahil sa tail-end ng isang cold front.
Ayon kay Rene Paciente, senior weather forecaster ng PAGASA, tinatayang tapos na ang mauling panahon sa eastern section ng Northern Luzon ngayong weekend.
Dagdag pa ni Paciente na magiging maganda ang panahon ng Luzon maliban sa paminsan-minsang pag-ulan.
Magkakaroon din ng magandang panahon sa Visayas at Mindanao pero inaasahan rin ang mga isolate thunderstorms.
Sinabi pa ni Paciente, ang namataang low pressure area sa Pacific Ocean ay nalusaw na pero may panibagong cloud cluster ang na-monitor na maaring magdala ng pag-uulan sa susunod na linggo sa Mindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.