2 sugatan sa pagsalpok ng isang bus sa center island ng Quezon Bridge sa Quiapo, Maynila

Kuha ni Jong Manlapaz

Sugatan ang dalawang pasahero matapos na sumalpok ang Corimba Express Bus sa center island ng Quezon Bridge sa Quiapo, Maynila.

Ayon sa Traffic Management Sector ng Maynila, posibleng mabilis ang takbo ng bus at hindi ito nagmenor pagsapit sa paakyat na pakurbang bahagi ng nabanggit na tulay kaya’t buong lakas itong bumangga sa konkretong center island.

Nabuwal din ang poste ng kuryente na nagdulot ng matinding pagbagal ng daloy ng trapiko sa lugar.

Patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng sumukong drayber ng bus at maging ng dalawang pasahero na nasugtan sa aksidente.

 

 

 

 

Read more...