4 na miyembro ng kidnap for ransom group, arestado sa Lanao Del Sur

By Rod Lagusad December 31, 2016 - 05:16 AM

inquirer.net

Arestado ang apat na miyembro ng kidnap for ransom group sa Barangay Mantapuli sa Marantao, Lanao del Sur na nagsasagawa ng operasyon sa mga probinsya ng Lanao.

Nakilala ang mga naaresto na sina Nabil Balabaga Balowa, ang kanilang lider, Edris Said Sultan Angne, Nohair Ali Fanda at Jalil Lagiin Ismael.

Nauna ng nahuli at nakulong si Balowa sa Lanao del Norte provincial jail pero nakalaya dahil inatras ng nauna pang biktima nito ang kaso.

Ayon kay Lanao del Norte Police Chief Senior Superintendent Faro Antonio Olaguera, ang pinagsamang pwersa ng pulisya at militar ang nagsilibi ng arrest warrant laban sa mga suspek kaugnay ng serye ng mga pangdudukot sa lalawigan sa mga nagdaang buwan.

Ang pinakahuling biktima ng mga naturang suspek ay ang isang may-ari ng gasoline station na dinukot noong September 12.

Ang naturang biktima ay si Clarita Belisario. 60 taong gulang na pinalaya matapos magbayad ang pamilya nito ng ransom na nagkakahalagang 750,000 pesos.

 

 

TAGS: kidnap for ransom group, Lanao del Norte, Lanao Del Sur, ransom, kidnap for ransom group, Lanao del Norte, Lanao Del Sur, ransom

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.