Iniulat din ng PNP na umabot na sa isang milyon ang bilang ng mga sumukong drug suspects.
Sa bilang na 1,003,118 na sumuko ay nasa 74,870 o 7.46 percent ang pushers habang 928,248 o 92.54 percent naman ang users.
Habang simula ng maupo sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte ay nasa 42,978 na mga pushers at users ang naaresto.
Sa ilalim naman ng anti-drug campaign na Project Tokhang, nasa 5,868,932 na mga kabahayan ang nabisita ng pulisya upang imbitahan ang mga drug personalities na sumuko o magtungo sa rehabilitation center.
Hindi naman kasama sa report ng Malacañang ang kabuuang bilang ng mga PNP cases na deaths under investigation na itinuturing ng mga kritiko na extrajudicial killings.