Nasa 11 katao kada araw, napapatay dahil sa giyera kontra droga ng pamahalaan
Sa inilabas na yearend report ng Malacañang, naitala ng Philippine National Police (PNP) ang aabot sa 2,166 drug-personality deaths sa isinagawang 40,284 operations mula July 1 hanggang December 30 o nasa 11 katao ang napapatay kada araw sa nakaraang 184 na araw.
Iniulat din ng PNP na umabot na sa isang milyon ang bilang ng mga sumukong drug suspects.
Sa bilang na 1,003,118 na sumuko ay nasa 74,870 o 7.46 percent ang pushers habang 928,248 o 92.54 percent naman ang users.
Habang simula ng maupo sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte ay nasa 42,978 na mga pushers at users ang naaresto.
Sa ilalim naman ng anti-drug campaign na Project Tokhang, nasa 5,868,932 na mga kabahayan ang nabisita ng pulisya upang imbitahan ang mga drug personalities na sumuko o magtungo sa rehabilitation center.
Hindi naman kasama sa report ng Malacañang ang kabuuang bilang ng mga PNP cases na deaths under investigation na itinuturing ng mga kritiko na extrajudicial killings.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.