Rally ng mga empleyado ng DLTB, nagka-tensyon

By Alvin Barcelona December 31, 2016 - 05:03 AM

Kuha ni Alvin Barcelona

Nabalot ng tensyon ang piket line sa Pasay bus terminal ng DLTB Bus Co.

Ito ay makaraang puwersahin ng management sa pamamagitan ng kanilang maintenance department na may dalang wrecker na bawiin ang mga bus na hinostage ng mga nagwewelgang mga driver at kundoktor ng DLTB.

Habang may mga pulis na nakaposte malapit lang sa terminal pero hindi na ito nakialam nang tuluyan ng hilain ng nasabing wrecker ang naturang bus.

Sa kasalukuyan, tatlo pang bus ng DLTB ang nanatili sa terminal.

Patuloy pa rin na nanatili ang tensyon sa pagitan ng mga welgista at mga miyembro ng maintenance department ng DLTB.

Ayon kay Atty. Merilles, kinatawan ng mga welgista, kanilang inaagapan na magpang abot ang magkabikang panig.

TAGS: bus terminal, DLTB, driver, kundoktor, Pasay, wrecker, bus terminal, DLTB, driver, kundoktor, Pasay, wrecker

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.