Pangulong Duterte, ilang beses nagtangkang takasan ang PSG, pero nabigo
Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilang beses na niyang tinakasan ang presidential security group.
Gayunman, ayon sa pangulo, hindi siya nagtatagumpay sa pagtakas sa PSG.
May pagkakataon aniya na minsan ay nagpapasundo siya kay Secretary Bong Go sa palasyo pero paglabas ng kanilang sasakyan sa compound ng Malakanyang ay nakabuntot na ang mga tauhan ng PSG.
Ikinwento pa ng pangulo na maging ang kaniyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte ay tinakasan na rin ang PSG noong hindi pa siya buntis sa pangatlong anak.
Nagawa umano ni Mayor Sara na makalipad mula Davao patungo Pg palawan ng walang kasamang PSG.
Gayunman, pagdating ng kanyang anak sa airport ng Palawan, naakbang na ang mga tauhan ng PSG.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.