P200-M damage suit ni VP Binay laban kina Trillanes at 13 iba pa, hindi dapat sa Makati dinggin – Sen. Trillanes

August 10, 2015 - 08:42 PM

 

trillanes caseHiniling ng kampo ni Senador Antonio Trillanes IV sa Korte Suprema na ilipat sa ibang lugar ang pagdinig sa kasong sibil na inihain laban sa kanya at sa 13 iba pa ni Vice President Jejomar Binay.

Ang kaso ay may kinalaman sa P200-million damage suit na inihain ni Vice President Binay laban kay Trillanes, Senador Alan Peter Cayetano, Caloocan Rep. Edgar Erice, Ombudsman Conchita Carpio Morales at iba pa.

Ang kaso ay napunta sa Makati RTC Branch 133.

Sa apat na pahinang liham na inihain ng kampo ni Trillanes kay Supreme Court Administrator Jose Midas Marquez, ginawang batayan na mailipat ng lugar ang pagdinig ay ang impluwensya at kapangyarihan ng mga Binay sa Makati na humawak sa liderato ng lungsod sa loob ng mahigit dalawampu’t walong taon.

Idinagdag pa ng kampo ni Trillanes na sa loob ng 28 taong pamamayagpag sa Makati ng mga Binay, ang pamahalaang lungsod ay nagkakaloob ng allowances para sa mga opisyal ng hukuman at mga piskalya kabilang na ang pagpapagamit ng sasakyan.

Bagaman naniniwala umano si Trillanes na ang tulong na ibinibigay sa mga hukom at piskal ay hindi makakaapekto sa kanilang trabaho, mas mainam pa rin na maiwasan nang tuluyan ang anumang pagdududa./ Ricky Brozas

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.