Patuloy na nadadagdagan ang bilang ng mga ilegal na paputok na nakukumpiska ng Southern Police District.
Hanggang kaninang umaga nasa mahigit 1,700 na mga paputok na ang kinumpiska at pinakamarami ay sa lungsod ng muntinlupa kung saan may ordinansa na nagbabawal sa paggamit ng mga paputok tuwing bisperas ng bagong taon.
Karamihan sa mga nakumpiska ay mga kuwitis, whistle bomb at fountain.
Kasabay ito nang pagsasagawa ng SPD ng caravan kaugnay sa kanilang iwas paputok information campaign kontra paputok.
Samantala, ang Makati City police naman ay nagsagawa din ng oplan tokhang sa mga registered gun owners sa lungsod para paalahanan na krimen ang ilegal na pagpapaputok ng baril sa pagsalubong sa pagpapalit ng taon.
MOST READ
LATEST STORIES