Mula December 16, walang insidente ng pandurukot sa Divisoria, ayon sa NCRPO

By Dona Domiguez-Cargullo December 30, 2016 - 03:54 PM

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Mula noong December 16, walang naitalang insidente ng pickpocketing o pandurukot sa Divisoria na talamak sa ganitong insidente lalo na kapag holiday season.

Ayon kay National Capital Region Police Office head Director Oscar Albayalde (NCRPO, magandang balita ito dahil taun-taon, grabe ang mga insidente ng snatching sa Divisoria kapag panahon ng kapaskuhan

Nagsagawa ng inspeksyon si Albayalde sa Divisoria Biyernes ng umaga para alamin ang ipinatutupad na seguridad doon.

Kapag ganitong panahon, nakapagtatala araw-araw ng dalawa hanggang tatlong insidente ng snatching sa Divisoria.

Ani Albayalde, malaking tulong ang pagdaragdag ng presensya ng mga pulis sa lugar.

Mula buwan ng Disyembre, umabot naman sa labing-anim na insidente ng nawawalang mga bata ang naiulat sa Divisoria.

Lahat sila ay naibabalik din agad sa kanilang magulang.

Kaninang umaga, sa pagtaya ng NCRPO, umabot sa 700,000 ang bilang ng mga taong dumagsa sa Divisoria.

 

TAGS: Divisoria Manila, NCRPO, Divisoria Manila, NCRPO

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.