LRT line 1, may libreng sakay sa unang araw ng taong 2017

LRT 1 advisoryInanunsyo ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na magbibigay sila ng libreng sakay sa mga pasahero ng LRT line 1 sa January 1, 2017, araw ng Linggo.

Ang LRMC ang operator ng LRT-1 na biyaheng Roosevelt to Baclaran at pabalik.

Nakasaad sa nasabing abiso na ang libreng sakay ay mula alas 7:00 hanggang alas 9:00 ng umaga at alas 5:00 ng hapon hanggang alas 7:00 ng gabi.

Sa oras na libre ang sakay, ang mga pasahero ay maaring dumeretso na sa service gates ng LRT.

Nauna nang inanusyon ng LRMC na ang mga Concessionary Beep Card (CBC) holders na kinabibilangan ng Senior Citizens at PWDs na may kasamang hindi bababa sa dalawang family members ay libreng makasasakay ng tren hanggang January 8, 2017.

 

Read more...