“Iwas Paputok” infomercial, tampok sina Puppet Bato at Puppet Digong inilabas na ng PNP

By Dona Dominguez-Cargullo December 30, 2016 - 01:48 PM

PNP InfomercialMapapanood na ng publiko ang infomercial ng Philippine National Police (PNP) sa kampanya nito laban sa paggamit ng paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Tampok sa nasabing infomercial ang mga puppet na sina “Puppet Bato” at “Puppet Digong”.

Mapapanood ang infomercial sa official Facebook page ng PNP, kung saan tatlong oras matapos itong i-upload, umabot na sa 14,000 ang views nito.

Sa kaniyang mensahe, inisa-isa ni “Puppet Bato” ang mga paputok na mahigpit na ipinagbabawal sa batas dahil sa labis na pinsala na maaring idulot ng mga ito at pwede ring makamatay.

Kabilang dito ang Piccolo, Watusi, Goodbye Philippines, Super Lolo, Pla-Pla, Giant Whistle Bomb, Judas Belt, Sawa, Yolanda, Aldub, Coke in Can, Hello Columbia at maraming iba pa.

Mensahe rin ni “Puppet Bato” sa publiko, lalung-lalo na sa mga bata, huwag na huwag hahawak ng nasabing mga paputok.

Ang mga paputok at pailaw naman na pwedeng bilhin at gamitin ay ang Luces, Sky Rocket o Kwirits, Fountain, Trompillo, Baby Rocket at iba pa.

Ipinakita rin sa nasabing infomercial ang magiging epekto sa isang tao kung gagamit ito ng bawal na paputok.

Mensahe naman ni “Puppet Digong”, sa halip na guamit ng paputok, manood na lang at makisaya sa mga nakatakdang pampublikong fireworks display.

TAGS: Iwas Paputok, PNP infomercial, Puppet Bato, Puppet Digong, Iwas Paputok, PNP infomercial, Puppet Bato, Puppet Digong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.