Alkalde sa isang bayan sa Lanao Del Norte, patay sa pananambang
Nasawi sa pananambang si Mayor Mohammad Exchan Limbona ng bayan ng Pantar sa Lanao del Norte.
Ayon sa mga otoridad, pinagbabaril ng hindi pa nakilalang mga suspek ang sasakyan ni Limbona, kagabi.
Kasama noon ng alkalde ang kaniyang misis, anak at dalawang escorts.
Dinala sa Adventist Medical Center si Limbona pero idineklara ding patay makalipas ang isang oras.
Nasugatan naman ang mga escort ng alkalde na sina Police Officer 1 Russel Jay Paltingca at Police Officer 1 Saidamen Haji Naim na kapwa nagtamo ng tama ng bala sa binti.
Habang ligtas naman ang asawa at anak ni Limbona.
Ilan lang sa anggulong tinitignan ng mga otoridad ay pulitika o dikaya ay away pamilya o rido.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.