Publiko, sasalubungin ng big time price hike sa LPG sa taong 2017

By Dona Dominguez-Cargullo December 30, 2016 - 09:51 AM

LPG | Inquirer File Photo
LPG | Inquirer File Photo

Sa pagsalubong sa Bagong Taon, sasalubungin din ng malaking dagdag-presyo sa cooking gas o Liquefied Petroleum Gas (LPG) ang publiko.

Sa abiso ng mga kumpanya, posibleng nasa pagitan ng P3.40 hanggang P3.80 kada kilo ang itaas ng LPG, at maaring maging epektibo ito sa January 1 o sa January 2, 2017.

Ang nasabing halaga ay katumbas ng P37.40 hanggang P41.80 na pagtaas sa kada 11 kilogram na LPG cylinder.

Maliban sa presyo ng LPG, magkakaroon din ng adjustment sa presyo ng autoLPG.

Magugunitang nitong nagdaang mga linggo, sunud-sunod din ang naging pagtaas presyo ng produktong petrolyo ng mga kumpanya ng langis.

 

 

TAGS: LPG, price hike, LPG, price hike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.