Bali, Indonesia, niyanig ng magnitude 6.2 na lindol
By Dona Dominguez-Cargullo December 30, 2016 - 08:29 AM
Niyanig ng magnitude 6.2 na lindol ang Bali Indonesia, Biyernes (December 30) ng umaga.
Ang lindol ay naitala sa 300 kilometers east ng Bali at may lalim na 72 kilometers.
Ayon sa mga residente, tumagal ang pagyanig at maraming nagising sa mahimbing na pagkakatulog.
Wala namang itinaas na tsunami alert bunsod ng lindol.
Wala ring inaasahang pinsala o nasugatan sa pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.