Binabantayang LPA ng PAGASA sa bahagi ng Mindanao, nalusaw na

By Dona Dominguez-Cargullo December 30, 2016 - 07:58 AM

Dec 30Wala nang binabantayang sama ng panahon ang PAGASA matapos malusaw ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) sa silangan ng Mindanao.

Ayon sa PAGASA, magiging maaliwalas ang panahon sa pagsalubong sa Bagong Taon dahil wala pang ibang sama ng panahon o bagyo na palapit sa bansa.

Sa ngayon, tanging tail-end ng cold front ang naka-aapekto sa eastern section ng Northern at Central Luzon.

Sa pagtaya ng PAGASA, ngayong araw, makararanas ng maulap na papawirin na mayroong moderate at kung minsan ay malakas nap ag-ulan at thunderstorms sa Cagayan Valley Region at sa lalawigan ng Aurora.

Ayon sa PAGASA, maaring magdulot ng flashfloods at landslides sa nasabing rehiyon at lalawigan bunsod ng minsang malakas na buhos ng ulan.

Samantala, mahinang pag-ulan naman ang mararanasan sa mga rehiyon ng Ilocos at Cordillera.

Sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa, isolated rainshowers o thunderstorms lamang ang iiral.

 

TAGS: LPA, Pagasa, Weather in Philippines, LPA, Pagasa, Weather in Philippines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.