MRT at LRT, may libreng sakay sa mga pasahero ngayong Rizal Day

By Dona Dominguez-Cargullo December 30, 2016 - 06:28 AM

MRT-2_J._Ruiz_StationBilang paggunita sa ika-120 anibersaryo ng kabayanihan ni Dr. Jose Rizal, magbibigay ng libreng sakay ang MRT ngayong araw sa kanilang mga pasahero.

Sa MRT-3 na biyaheng Taft to Quezon Avenue at pabalik, libreng makasasakay ang mga pasahero mula alas 7:00 hanggang alas 9:00 ng umaga.

Libre din ang sakay sa nasabing train system mula alas 5:00 ng hapon hanggang alas 7:00 ng gabi mamaya.

Samantala, sa LRT line 2, magbibigay din ng libreng sakay sa mga pasahero sa parehong oras.

Nagpa-abiso naman ang LRT line 1 na wala silang libreng sakay ngayong araw.

Layon ng libreng sakay ang mahikayat ang publiko na makilahok sa mga aktibidad ngayong araw sa Maynila sa paggunita ng Rizal Day.

Kabilang sa mga aktibidad ang libreng medical, dental at optical services na gaganapin sa Noli Me Tangere Garden sa Rizal Park.

Matatagpuan din sa nasabing parke ang “Diskwento Caravan” ng DTI na magbebenta ng murang halaga ng food items, leather goods, at iba pang produkto.

 

TAGS: Free Ride, MRT and LRT, Rizal Day, Free Ride, MRT and LRT, Rizal Day

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.