Patay ang isang security officer ng lokal na pamahalan ng Tagum City, Davao Del Norte matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa harap mismo ng lumang city hall.
Kinilala ang bikitima na si Ronnie Pascia na isang miyembro ng Tagum City Security Management Office.
Ayon sa hepe ng Tagum City police, nakaduty umano si Pascia sa lumang city hall nang lapitan ito at barilin.
Nagawa pang itakbo sa ospital ang biktima ngunit idineklara din itong patay.
Patuloy naman ang pag-iimbestiga ng mga otoridad sa nasabing krimen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.