Smog, lalala sa China sa pagsalubong ng Bagong Taon

 

File photo

Ayon sa Environment Ministry ng China, babalutin ng ‘smog’ ang hilagang rehiyon ng bansa kasabay sa selebrasyon ng Bagong Taon.

Nauna nang nabalot ng ‘smog’ ang malaking bahagi ng northern China nito lamang buwan ng Disyembre.

Dahil dito, ipinasara ng mga otoridad ang iba’t-ibang pabrika at nilimitahan ang motorista upang makabawas sa paglabas ng emissions.

Noong nakaraang linggo ay nagtaas na ang Beijing ng ‘orange alert’ dahil sa nasabing smog.

Ang alert na ito ay ang ikalawa sa pinakamataas na antas ng pollution warning system sa China.

Inaasahang aabot hanggang Enero 5 sa susunod na taon ang masamang panahon sa naturang bansa.

Read more...