‘Hindi ko kailangan ng martial law’-Duterte

By Jay Dones December 30, 2016 - 04:37 AM

 

Inquirer file photo

Hindi ko kailangan ang martial law.

Ito ang pahayag ni Pangulong Rodrio Duterte kaugnay sa sinabi nito kamakailan na kung siya ang masusunod, nanaisin niyang sa presidente na lamang iatang ang responsibilidad sa pagdedeklara ng batas-militar sa halip na idaan pa ito sa Kongreso at Korte Suprema.

Paliwanag ni Pangulong Duterte, babagsak ang bansa kung magdedeklara siya ng martial law.

Wala aniyang sapat na dahilan upang magdeklara ng martial kung ang isyu lamang ng kriminalidad sa bansa ang pag-uusapan.

Iginiit pa ni Duterte na dapat manatili ang katapatan ng militar sa Saligang Batas at hindi sa kanya.

Matatandaang noong nakaraang linggo, naging palaisipan sa publiko ang mga binitiwang pahayag ni Pangulong Duterte.

Kung siya aniya ang masusunod, nais niyang baguhin ang 1987 Constitution upang tanging ang Presidente na lamang ang mabigyan ng kapangyarihang ideklara ito nang hindi na idadaan pa sa review ng Kongreso at Korte Suprema.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.