Robredo tuluyan nang pinagsarhan ng pinto sa Duterte administration
Wala nang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng panibagong cabinet post si Vice President Leni Robredo.
Ito ay matapos pagbawalan ng pangulo si Robredo na dumalo sa mga cabinet meetings sa Malacañang bilang pinuno ng Housing and Urban Development Coordinating Council kamakailan.
Paliwanag ng pangulo, bahagi kasi si Robredo ng Liberal Party ng nagtatangkang mapabagsak ang kanyang administrasyon at mapatalsik siya sa pwesto.
Giit ng pangulo, hindi kasi marunong tumanggap ng pagkatalo ang LP.
Samantala, kinumpirma ng pangulo na itatalaga niyang Foreign Affairs Secretary ang kanyang naka-tandem sa eleksyon na si Senador Alan Peter Cayetano.
Ayon sa pangulo, gagawin niya ito oras na bumalik na sa U.S si Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay.
Pinakiusapan laman umano si Yasay na hawakan muna ang DFA post habang may one year election ban pa si Cayetano matapos matalo sa vice presidential race.
Samantala, sinabi ng pangulo na wala pa siyang naiisip na cabinet post na ibibigay kay dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos.
Sa ngayon aniya, kuntento siya sa performance ng kanyang cabinet members kung kaya wala siyang sisibakin sa mga ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.